Raise Hope

Raise Hope We are warriors and volunteers who raise awareness and support survivors in the fight against cancer. BUY FOR A CAUSE page

We uplift and inspire others through our stories, resources, and presence. This is a safe space for hope, healing, and connection wherever you are.

06/05/2026

Ya Allah, Ikaw ang Pinakamahabagin at Pinakamaawain…

Alam Mo po ang laman ng puso ko.
Alam Mo kung gaano ko gustong makatulong sa aking pamilya, sa aking mga kababayan lalo na sa grupo ng Raise Hope at sa mga nangangailangan,
ngunit alam Mo rin ang aking mga kakulangan.

Ya Allah…
Kung hindi man ako makapagbigay ng tulong financially,
hinihiling ko po na Ikaw ang magpadala ng tulong sa kanila mula sa Iyong walang hanggang biyaya.

Pagalingin Mo po ang may sakit,
pagaanin Mo ang kanilang mga dinadala,
at punuin Mo ang kanilang mga puso ng pag-asa at kapayapaan.

Ya Rabb…
Buksan Mo po ang mga pintuan ng kabuhayan para sa aking pamilya,
para sa aking mga kababayan dito sa Bahrain,
at para sa lahat ng nangangailangan.

Pagpalain Mo rin po ang gawain ng Raise Hope Group
at lahat ng mga taong tumutulong, bigyan Mo sila ng lakas, kalusugan, at mas higit pang kakayahan na makapagbigay ng kabutihan.

Ya Allah
Bigyan Mo ako ng lakas at tibay,
ng malinaw na isipan,
at ng kapayapaan sa kalooban.

Palakasin Mo ang aking pananampalataya,
at gawin Mo akong instrumento ng kabutihan kahit sa simpleng paraan lamang.

Ya Allah…
tanggapin Mo ang aking dasal,
at iparamdam Mo sa amin na hindi Mo kami pinapabayaan.

Alhamdulillah nakauwi na sa Pilipinas ang mag-inang kabayan natin dito sa Bahrain. Maraming salamat po kay Medical Offic...
05/05/2026

Alhamdulillah nakauwi na sa Pilipinas ang mag-inang kabayan natin dito sa Bahrain. Maraming salamat po kay Medical Officer Maam Fritzie ng Philippine Embassy Bahrain at ang lahat po ng staff at volunteers sa Philippine Embassy Bahrain sa pag-aasikaso sa kanila at sa lahat ng ating mga kababayan na makauwi sa ating bansa,may gulo man o wala lagi po kayo andyan na nakagabay sa ating mga kababayan.
Maraming salamat din po sa ating Raise Hope Volunteer Merla Dela Torre sa pag-aalaga sa mag-ina mula umpisa hanggang sa huling pakikipagsapalaran nila dito.
May Allah accept and reward all your good deeds po🤲
Subhanallah🤲

01/05/2026

Healing takes time…
But every small step counts.
You are not alone💕

01/05/2026

❤️ Tulong para sa Pag-asa ni Kylie | Heart Warrior 🦋

Ang ating munting Heart Warrior na si Kylie ay humaharap sa isang laban na hindi biro. Upang suportahan siya sa kanyang paghahanda para sa kanyang ika-3 operasyon (repeat cardiac cath and corrective surgery, restelli) na ngkakahalaga ng Php 940,000.

Ito po ay isa sa proyekto para magbigay-kaalaman at makalikom ng pondo para sa kanyang laban.

Ang Heart Warrior Kylie Tote Bag! 👜✨
Inspired ng sikat na Trader Joe’s bag ang mga bag na ito ay may dalang mensahe ng katatagan. Sa bawat gamit niyo nito- dala niyo rin ang pag-asa para kay Kylie.

✨ 100% ng kikitain ay direktang mapupunta sa medical at surgical expenses ni Kylie.

Hindi lang ito basta bag—ito ay simbolo ng pagmamahal para sa paglalakbay ni Kylie. Bawat araw ay isang laban, pero walang lumalaban nang mag-isa.

🔥 Presyo: PHP 450
🎨 Design: Trader Joe’s Inspired
📍 Paano Mag-order: Mag-send lang ng DM or mag text po sa numero na 09453783031 para makapag-reserve! Ito po made to order max 3 days.

Ipakita natin ang ating pagmamahal kay Kylie at tulungan natin siyang malampasan ang susunod na hakbang na ito! 🦋❤️
Muli po ninyo kaming samahan sa laban na ito at maraming salamat!

Sa nais pong magvoluntaryong tulong pwede din pong mkipg ugnayan sa amin.
Gcash no. 09453783031.

01/05/2026

Toteful Bag dala ay pag-asa para kay Kylie❤️

01/05/2026
01/05/2026

Magandang araw po sa inyong lahat! Nais po naming ibahagi ang kwento ng aming matapang na Heart Warrior na si Kylie, upang mas maintindihan ninyo ang kanyang pinagdaanan at mapaigting ang ating pagkakaisa para sa kanyang susunod na operasyon:

-Unang surgery: Noong isang buwang gulang pa lamang si Kylie, siya ay sumailalim sa paglalagay ng cardiac shunting sa Philippine Heart Center na nagkakahalaga ng 700K upang madugtungan ang kanyang buhay. Salamat kay Dr. Francia at nakita nia kaagad ang sintomas at agaran kaming nirefer sa pedia cardio sa Lucena. At pinaluwas agad kami sa Heart Center upang mas masuri. At doon na nga npgalaman na kelangan sumailslim sa urgent surgery upang mdugtungan ang kanyang buhay. Tumgal kmi ng halos 27 days sa Heart Center.

- Pangalawang surgery: Nang siya ay apat na taong gulang, kinailangan niyang palitan ang cardiac shunting at cardiac catheterization, na umabot sa 920K sa PHC. Covid period ako lang at si Kylie at magkasama sa hospital. Sobrang hirap na magisa habang sumasailalim ang anak ko sa mga procedures. Magiintay ka ng magndang balita after 10hrs procedure. Laging dasal na maging maayos ang lahat, sa tulong muli ng kanyang cardio pedia Dra. Lagamayo at Dr. Gamponia ang kanyang cardio surgeon at ng buong staff ng PHC sa loob ng halos 1 buwan. Salamat sa Dyos at sa inyo sa lahat ng mga sumuporta kay Kylie.

- Pangatlong surgery: Sa darating na ikatlong operasyon, gagawin ang total correction at repeat cardiac catheterization para kay Kylie. Ito ang huling procedure na kelangan nya. Ang estimated request ng hospital ay umabot ng 930-940K. Ayaw man nming sumailalim muna sya sa operasyon dahil sa totoo po wala kaming ganung kalaking pera at dahil sa mga pinagdaan hindi po biru ang sitwasyon. At ang higit sa lahat natatakot po kami sa maaring komplikasyon. Open heart procedure ano maaring mangyri. Pero sabi ng Dr. hanggat wala png msyadong problema mainam na ma correct lahat sa tamang panahon. Lakas ng loob at sampalataya kay Lord mapagdadaan namin ito. Kung lumalaban si Kylie bakit di nmin ito ilalaban. Marami pong paraan. Hindi lahat ng may pera nabibigyan ng pangalawang buhay, pero minsan kahit wala kang pera- binibigyan ka padin ng pagkakataon!

Bilang bahagi ng aming mga gawain para makalikom ng pondo, mayroon kaming mga tote bag at t-shirts na maaari ninyong bilhin. Anumang tulong, maliit man o malaki, ay talagang malaking bahagi na ng paglalakbay ni Kylie. Maraming-maraming salamat muli sa inyong lahat sa inyong malasakit, muling suporta at pakikiisa!

Hindi po madali ang laban na ito pero patuloy po kmi lumalaban Sa awa ng Panginoon di tayo pababayaan.

Sa nais pong magvoluntaryong tulong pwede din pong mkipg ugnayan sa amin.
Gcash no. 09453783031.

Please share, you, we care! ❤️🙏
LABANKYLIE #
HEARTWARRIOR #
TEAMKYLIE #

Pic discharge after 2nd surgery

Address

Sar

Opening Hours

Monday 00:00 - 00:00
Tuesday 00:00 - 00:00
Thursday 00:00 - 00:00
Friday 00:00 - 00:00
Saturday 00:00 - 00:00
Sunday 00:00 - 00:00

Telephone

+97336630254

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raise Hope posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share