Para Sa Mga Mag-aaral

Para Sa Mga Mag-aaral Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Para Sa Mga Mag-aaral, Bulacan.

08/04/2025
Our Lady of Grace Grotto Ito ay isang bagong atraksyon na matatagpuan sa Sitio Brown Sibul San Miguel Bulcan
08/04/2025

Our Lady of Grace Grotto

Ito ay isang bagong atraksyon na matatagpuan sa Sitio Brown Sibul San Miguel Bulcan

Museo ng San Miguel de MayumoAng MUSEO DE SAN MIGUEL ang nagsisilbing bintana ng matamis at makulay na kasaysayan ng Sim...
08/04/2025

Museo ng San Miguel de Mayumo

Ang MUSEO DE SAN MIGUEL ang nagsisilbing bintana ng matamis at makulay na kasaysayan ng Simbahan at Parokya. Layon ng Museo na ipakilala at itanghal ang mga gamit na pangdebosyonal at liturhikal na gumabay at pumanday sa Debosyong Mayumo.

Simbahan ng San MiguelAng Simbahan ng San Miguel de Mayumo ay tinatag ng mga paring Agustino sa Patronato ni San Miguel ...
08/04/2025

Simbahan ng San Miguel
Ang Simbahan ng San Miguel de Mayumo ay tinatag ng mga paring Agustino sa Patronato ni San Miguel Arcangel bilang Vicita ng Candaba Pampanga noong 1607. Naging parokya ito noong 1725 dahil masyado itong malayo mula sa sangay ng mga vicita sa tahanan ng mga pari. Naging Vicita ng Gapan at Macabebe noong 1726-1872(San Agustin Archives (1848-1879)

Sibul SpringsIsa sa mga makasaysayang pook palatandaan (historical landmark) ng bayan ng San Miguel na nagmarka sa ating...
08/04/2025

Sibul Springs
Isa sa mga makasaysayang pook palatandaan (historical landmark) ng bayan ng San Miguel na nagmarka sa ating kasaysayan ay ang Sibul Springs na matatagpuan sa pook na may gayung katulad na pangalan. Matatagpuan ito suson-susong paanan ng Bundok ng Sierra Madre.
Una itong itinayo noong 1894 sa kasagsagan ng panahon ng pananakop ng mga Espanyol, yari sa pawid at may dalawang silid na bahay-paliguan lamang. Panahon ng pistaym noong bandang 1910, binago ang anyo ng bahay-paliguan at pinalaki kumpara sa dati nitong anyo ng mga Amerikano.

Ang San Miguel ay nahahati sa 49 na barangay.Ito ay ang Bagong Pag-asa,Bagong Silang, Balaong Balite, Bantog, Bardias, B...
21/03/2025

Ang San Miguel ay nahahati sa 49 na barangay.
Ito ay ang Bagong Pag-asa,Bagong Silang, Balaong Balite, Bantog, Bardias, Baritan, Batasan Bata, Batasan Matanda, Biak-na-Bato, Biclat, Buga, Buliran, Bulualto, Calumpang, Cambio, Camias, Ilog-Bulo, King Kabayo, Labne,Lambakin, Magmarale, Malibay, Maligaya, Mandile, Masalipit, Pacalag, Paliwasan, Partida, Pinambaran, Poblacion, Pulong Bayabas, Pulong Duhat, Sacdalan, Salacot, Salangan, San Agustin, San Jose, San Juan, San Vicente, Santa Ines, Santa Lucia, Santa Rita Bata, Santa Rita Matanda, Sapang, Sibul, Tartaro, Tibagan, at Tigpalas.

Aling pagibig ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pagibig sa tinubuang lupa......-Andres Bonifacio
16/03/2025

Aling pagibig ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pagibig sa tinubuang lupa......

-Andres Bonifacio

Address

Bulacan

Telephone

+639504473242

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Para Sa Mga Mag-aaral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share