21/12/2025
REAL TALK!
"Women pretend to always forgive and stay, while actually preparing themselves until they're mentally ready to leave."
Maraming babae ang hindi agad umaalis, hindi dahil mahina sila kundi dahil nag-iisip sila nang malalim. Tinitimbang nila ang memories, effort, at pagmamahal na naibigay na. Tahimik lang sila, pero marami nang realizations sa loob.
Habang akala ng iba okay lang ang lahat, may proseso na palang nangyayari. Unti unti nilang tinatanggap ang sakit, paulit ulit hanggang manhid na. Dito nagsisimula ang emotional detachment.
Hindi lahat ng ngiti ay ibig sabihin masaya pa. Minsan survival mode na lang, ginagawa ang best para manatiling buo. Kasi mahirap umalis kapag mahal mo pa.
Kapag ang isang babae ay napagod na mag explain at mag beg, doon na nagiging seryoso ang desisyon. Hindi na ito biglaan, matagal na itong pinaghandaan. Kaya kapag umalis siya, buo na ang loob niya.
At kapag dumating ang araw na tahimik na lang siya, doon ka na dapat magtanong. Kasi ang katahimikan minsan ay hindi peace, kundi pagtatapos. When she leaves, she is no longer running away, she is choosing herself.