Dyaryo at Komiks

Dyaryo at Komiks • Writer/ Creative
• Pets Enthusiasts
• Minimalist

SILG Remulla, Iba Pang Alkalde ng Cavite Nakiramay | Personal na nakiramay ngayong hapon sa mga naiwan ni dating Mayor J...
12/08/2026

SILG Remulla, Iba Pang Alkalde ng Cavite Nakiramay | Personal na nakiramay ngayong hapon sa mga naiwan ni dating Mayor Junio “Jun” Dualan si dating Cavite Governor at ngayon ay Secretary of the Interior and Local Government Juanito Victor “Jonvic” Remulla, Jr.

Dumating din sa Sistine Chapel Funeral Home & Crematorium kanina ang mga lider ng iba’t ibang bayan at syudad ng Cavite. Kabilang sa mga dumating ay sina dating Carmona Mayor at ngayon ay Representative Roy Loyola, Maragondon Mayor Lawrence Arca, Ternate Mayor Lamberto Bambao, Kawit Mayor Armie Aguinaldo, at Amadeo Mayor Jose Domingo, Jr.

Ngayong gabi ay dumating din upang personal na makiramay si Asec. Gil Torralba, Deputy Director General sa Bureau of Corrections.

| Agosto 12, 2026 (Miyerkules)

Balitang Pinas'ISANG KAPATID NA NAGBUBUKAS NG DAAN PARA MALAGPASAN ANG MGA BALAKID'Pinuri ng Palasyo ang pagiging suppor...
12/08/2026

Balitang Pinas

'ISANG KAPATID NA NAGBUBUKAS NG DAAN PARA MALAGPASAN ANG MGA BALAKID'

Pinuri ng Palasyo ang pagiging supportive ng bunsong kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Irene Marcos-Araneta sa Pangulo matapos nitong asikasuhin ang sinuot na damit ni Marcos noong SONA at para sa iba pang okasyon ng Pangulo.

"Ang tunay na pagmamahalan ng magkapatid ay tulad ng isang matibay na puno na may iisang ugat. Hindi matitibag ng anumang bagyo, hindi magigiba ng anumang delubyo," pagbabahagi ni PCO Usec. Claire Castro. | DZRH News

12/08/2026

MC Donald Is the best!

Balitang Pinas‘HINDI KAKAYANIN NG GOBYERNO KUNG PABAYA NANG PABAYA ANG MGA TAO’ — PBBMNanawagan si Pangulong Ferdinand “...
12/08/2026

Balitang Pinas

‘HINDI KAKAYANIN NG GOBYERNO KUNG PABAYA NANG PABAYA ANG MGA TAO’ — PBBM

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at tamang pagtatapon ng basura, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi kayang solusyunan ng gobyerno lamang ang problema kung patuloy namang magiging pabaya ang ilan.

“Hindi po kakayanin ng gobyerno na magtrabaho nang magtrabaho pero ang ating mga kababayan ay pabaya nang pabaya,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, hindi rin sapat na basta magpatupad lamang ng multa o parusa laban sa improper garbage disposal kung kulang naman ang mga pasilidad at lugar kung saan maaaring maayos na itapon ng mga mamamayan ang kanilang basura.

Dumating ang pahayag matapos manawagan ang Malacañang sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura at tumulong upang hindi mabarahan ang mga kanal at daluyan ng tubig.

Balitang Pinas𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nabahala si Public Works Secretary Vince Dizon nang makita ang halos mala-dagat na basura sa Rede...
12/08/2026

Balitang Pinas

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nabahala si Public Works Secretary Vince Dizon nang makita ang halos mala-dagat na basura sa Redemptorist Water Channel sa Brgy. Baclaran, Parañaque City na bumabara sa ilog at mga drainage na dahilan ng matindi at lagpas-taong baha sa siyudad.

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdeploy ng dalawang (2) backhoe, isang (1) backhoe loader, limang (5) dump truck, at 50 tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations para maibalik ang maayos ng daloy ng tubig sa ilog.

"Nananawagan tayo paulit-ulit sa mga LGUs natin, sa mga kababayan natin na kailangan talaga mas maging madisiplina tayo sa pagtatapon ng basura. Pero kailangan na rin talaga natin tingin ko ng overall master plan to address the garbage crisis. Kasi kailangan tuldukan na natin 'to once and for all," sinabi ni Secretary Dizon sa kanyang pag-inspeksyon sa ilog.

Balitang pinasPBBM, DINALAW ANG MGA BINAHA SA LAS PIÑAS; NAMAHAGI NG STUFFED TOYS SA MGA BATAPersonal na dinalaw ni Pang...
12/08/2026

Balitang pinas

PBBM, DINALAW ANG MGA BINAHA SA LAS PIÑAS; NAMAHAGI NG STUFFED TOYS SA MGA BATA

Personal na dinalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga residenteng pansamantalang nanunuluyan sa Verdant Covered Court evacuation center sa Barangay Pamplona 3, Las Piñas City matapos silang maapektuhan ng pagbaha.

Sa kanyang pagbisita, personal na kinumusta ng Pangulo ang kalagayan ng mga pamilyang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Namahagi rin si Marcos ng stuffed toys sa mga batang evacuee, habang makikita rin sa mga larawan mula sa pagbisita ang pamamahagi ng relief supplies para sa mga pamilyang nasa evacuation center.

Nagbukas ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas ng mga evacuation center para pansamantalang matuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha bunsod ng malalakas na pag-ulan at habagat.

Balitang Pinas"NANANAGINIP TAYONG LAHAT"Nilinaw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ...
12/08/2026

Balitang Pinas

"NANANAGINIP TAYONG LAHAT"

Nilinaw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na hindi agad mareresolba ang matagal nang problema sa pagbaha sa Metro Manila, sa kabila ng mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang mga flood control system.

Sa isang panayam noong Agosto 9, sinabi ni Dizon na walang agarang solusyon sa lawak ng suliranin, lalo na’t nakaugat ito sa mga dekadang isyu sa drainage, estero, daluyan ng tubig, at urban development.

Ayon sa kanya, mangangailangan ng tuloy-tuloy na proyekto at sapat na panahon bago maramdaman ang malawakang epekto ng mga reporma.

Kasunod ito ng matinding pagbaha na naranasan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit-lalawigan nitong mga nakaraang linggo matapos ang sunod-sunod na pag-ulan at mga bagyo.

Muling naging sentro ng diskusyon ang bisa ng mga flood control project at ang paggamit ng pondo para sa mga ito.

Binigyang-diin ni Dizon na hindi makatotohanang asahan na ganap na mawawala ang pagbaha sa loob lamang ng isa o dalawang taon.

Aniya, kinakailangan ng pangmatagalang plano at tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga proyekto upang mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga komunidad na madalas tamaan ng kalamidad.

Balitang PinasBASURA, GAGAWING KURYENTE — PBBMItutuloy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. an...
12/08/2026

Balitang Pinas

BASURA, GAGAWING KURYENTE — PBBM

Itutuloy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang waste-to-energy program ng pamahalaan, kasunod ng pagdagsa at pag-ipon ng napakaraming basura sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa Pangulo, ipoproseso sa ilalim ng programa ang mga basura upang magamit sa paglikha ng kuryente.

“Itutuloy na natin ’yung waste-to-energy na program. ’Yun ’yung kinukuha ’yung basura at ito ay pino-process at gagawing kuryente,” ani Marcos.

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa mga local government unit at sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura, lalo na’t maaari itong mapunta at bumara sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig.

“Mag-ingat po kayo dahil ang laking pinsala ang nangyayari kapag ’yung basura natin ay hindi maganda ang pagtapon at kung saan-saan na lang nilalagay,” saad niya.

Balitang PinasTORRE IBINAHAGI ANG ISANG DAHILAN KUNG BAKIT BUMABAHA SA METRO MANILANanawagan si MMDA General Manager Nic...
12/08/2026

Balitang Pinas

TORRE IBINAHAGI ANG ISANG DAHILAN KUNG BAKIT BUMABAHA SA METRO MANILA

Nanawagan si MMDA General Manager Nicolas Torre III sa publiko na magbahagi ng mga konkretong mungkahi upang matugunan ang patuloy na problema ng basura na nagbabara sa mga daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Torre, bahagi ng responsibilidad ng pamahalaan ang paglilinis ng mga estero, kanal at iba pang drainage system, ngunit hindi aniya magiging pangmatagalan ang solusyon kung patuloy pa ring nagtatapon ng basura ang ilang mamamayan.

“Ililinisin natin ito. Aalisin natin ang basura. Gagawin ng gobyerno ang trabaho nito. Pero pagkatapos nating linisin, paano natin sisiguraduhin na hindi na ito babalik sa ganito?” ani Torre.

Binigyang-diin niya na hindi lamang MMDA o gobyerno ang dapat kumilos kundi maging ang publiko sa pamamagitan ng mas maayos na disiplina sa pagtatapon ng basura.

Address

B2 Lot1 Precious Ville Subd. Ibayo Silangan
Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dyaryo at Komiks posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share