Mang Alex LPG Store

Mang Alex LPG Store Authorized Dealer and Distributor of LPG. Providing Free Delivery and installation on your LPG needs

Happy new year po sa lahat‼️Sunod sunod na po ang pagtaas ng LPG simula last week ng December hanggang ngayon January. T...
02/01/2026

Happy new year po sa lahat‼️

Sunod sunod na po ang pagtaas ng LPG simula last week ng December hanggang ngayon January. Tinatayang malaki ang itataas ng LPG kaya nagkakaroon na po ng ipitan sa LPG(hoarding). Nahihirapan na ang ibang planta sa supply naapektuhan na din ang mga dealers at retailers....Limitado na lamang din po ang stock namin ngayon,inuubos na lamang po mga tirang stock namin.

31/12/2025

Ang aming delivery ay tuloy tuloy pa din po hanggang 5pm lamang po. Maraming salamat po😊

22/12/2025

Our holiday schedule

Dec 24 until 8pm po kami.pero mag early cut off po kami kapag marami ng pending.

Dec 25 SARADO po kami.

Dec 31 5pm lamang po kami.

January 1&2,2026 SARADO po kami.

January 3 resume na po kami ng normal hours namin.

Please be guided po sa aming schedule😊

Maraming salamat po😊

KAUNTING KAALAMAN LAMANG PO!MALI ANG TURO NG MGA SCAMMER NA MALALAMAN ANG LAMAN NG INYONG LPG TANK SA PAG-TINGIN LAMANG ...
07/12/2025

KAUNTING KAALAMAN LAMANG PO!

MALI ANG TURO NG MGA SCAMMER NA MALALAMAN ANG LAMAN NG INYONG LPG TANK SA PAG-TINGIN LAMANG SA PRESSURE GAUGE NG INYONG REGULATOR.

Ang PAG-TIMBANG lamang ang tamang paraan para malaman ang exact weight/content ng inyong LPG tank. - LPG Technicians of the Philippines

Ang pressure gauge sa mga regulator ay nagpapakita lamang na ang likidong LPG ay nandyan pa din sa loob ng tangke sa estado ng ekwilibriyo base sa temperatura ng kapaligiran at hindi nagdedetermina kung gaano karaming likido pa ang laman ng tangke .

MALI ANG TURO NG MGA SCAMMER NA MALALAMAN ANG LAMAN NG INYONG LPG TANK SA PAG-TINGIN LAMANG SA PRESSURE GAUGE NG INYONG REGULATOR.

Ang PAG-TIMBANG lamang ang tamang paraan para malaman ang exact weight/content (11 kilograms) ng inyong LPG tank. - LPG Technicians of the Philippines

29/11/2025

25,000 kada tangke ang penalty sa aming mga LPG dealers kapag nahulihan kami ng mga generics/substandard/phase out/tampered na mga tangke.aray ko😫kaya habang open pa ang swapping mag pa swap na po kayo.

29/11/2025

Samantala nagpaalala ang Department of Energy na palitan na ang UNBRANDED at nanlilimahid na tangke ng LPG

Simula January 2026 ay kukumpiskahin na ang mga tangkeng ito para masigurado na ligtas ang mga tangke na ginagamit sa Pilipinas.

Muli po, kami po ay nagpapa alala na ang transition ng mga generic/phase out/tampered na tangke ng LPG into branded LPG ...
27/11/2025

Muli po, kami po ay nagpapa alala na ang transition ng mga generic/phase out/tampered na tangke ng LPG into branded LPG cylinder ay hanggang ngayon DECEMBER na lamang, mangyari po na ibili nyo na po sa mga lehitimong LPG Dealer at Retailer ang mga natatago or naiipit na mga tangkeng di na tinatanggap sa ibang bilihan ng sa gayun ay mapakinabangan nyo pa po ang mga tangke. Hanggang December na lamang po kami tatanggap ng mga ganitong uri ng tangke. Pagdating po ng January 2026, pagbabawalan na po kami tumanggap/ makitaan ng mga ganitong klaseng tangke. Ito po ay nasa batas na po.

LPG/Butane Stove Safety Tips Para sa mga Nanay at Estudyante​1. Iwasan ang oversized na kawali o kaldero. Huwag gamitin ...
27/11/2025

LPG/Butane Stove Safety Tips Para sa mga Nanay at Estudyante

​1. Iwasan ang oversized na kawali o kaldero. Huwag gamitin ang anumang pot/pan na lampas sa sukat ng trivet (yung parang rehas na pinagpapatungan ng lutuan).

​Bakit? Ang sobrang laki ng lutuan ay nagpapabalik ng init at didirekta ito sa butane canister o lpg small cylinder, na nagiging sanhi ng overheating at posibleng pagsabog.

2. ​Gumamit lamang ng bagong butane canisters at refillable small lpg cylinders na certified ng DTI. Ang butane canisters ay one-time used lamang at di ito pwedeng irefill.

​3. ​Huwag kailanman gamitin ang butane stove sa loob ng tents, saradong sasakyan, o maliit na kuwarto na walang bentilasyon.

​4. ​Huwag ilagay ang butane stove malapit sa iba pang pinagmumulan ng init (tulad ng grill, barbecue, o kalan na umiinit pa).

5. ​Siguraduhin na ang canisters or small cylinders ay na-lock nang tama sa regulator/compartment bago sindihan.

6. ​Huwag iwanan ang nakasinding stove. Kung aalis ka sa pinaglulutuan, patayin muna ito.

7. ​Patayin at alisin ang canisters or small lpg cylinders kapag tapos na.

8. Huwag itago ang stove na nakakabit pa ang butane canisters or small lpg cylinders. Siguraduhing alisin ang canister/small cylinder sa stove at ilagay ang safety cap.

9. ​Itago ang butane canisters o small cylinders sa malamig, tuyong lugar, at malayo sa direktang sikat ng araw o anumang pinagmumulan ng init.

10. ​Huwag ilagay sa loob ng sasakyan o trunk na nakababad sa araw.

safety tips
portable stove

09/11/2025

Ipagpaumanhin po!
Dahil sa lakas ng ulan at hangin,naaapektuhan na po ang aming pagdedeliber.Kaya minarapat na po ng management na mag cut off na sa pagtanggap ng mga nagpapadeliber.gustuhin man po namin na lahat kayo ay madelibiran ngunit di na po kinakaya ng mga rider ko......LAHAT PO NG TINANGGAP NAMIN KANINA AY TATAPUSIN NA LAMANG PO NAMIN at kami po ay magsasara ng maaga sa normal namin..Kung magbabago po ang panahon bukas kami po ay magbubukas..Sa ngayon po unahin po muna natin ang kaligtasan ng bawat isa kasama na ang mga staff at rider namin.
Maraming maraming salamat po sa pang unawa na lagi nyong ibinibigay sa amin❤️
Dalangin po namin ang inyong kaligtasan sa panahong ito🙏

28/10/2025

Magandang araw po mga suki😊

Bilang pag gunita sa darating na Araw ng mga patay, Nov.01, 2025, SABADO kami po ay HALFDAY (7AM - 12NN) lamang sa araw na ito upang bigyang pagkakataon ang aming mga staff at rider na magunita ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao🙏. NOV 02,2025 balik normal hours na po kami 7am - 8pm.

Maraming salamat po😊

Isang paalala po!
07/08/2025

Isang paalala po!

23/07/2025

Dahil sa patuloy na pag ulan at pagbaha ngayon,pansamantala po muna kami mag stop ng deliber.
Maraming salamat po sa pang unawa po

Mag ingat po tayong lahat sa mga pagkakataong ganito

Address

#93 P. Paterno Street Brgy Dela Paz
Biñan
4024

Telephone

+639499977083

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mang Alex LPG Store posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share