21/04/2026
Public Advisory
Ipinapaalam po namin na kamakailan ay nagkaroon ng insidente ng pagnanakaw sa aming maliit na negosyo.
Malaki po ang epekto nito sa amin bilang isang small business , dahil ang bawat kagamitan ay mahalaga sa aming pang-araw-araw na operasyon. Ang ganitong pangyayari ay nagdudulot hindi lamang ng abala kundi pati na rin ng dagdag na gastusin upang maipagpatuloy ang aming serbisyo.
Ipinapaalala rin po namin sa lahat, lalo na sa kapwa maliliit na negosyante, na maging mapagmatyag at tiyakin ang sapat na seguridad ng kani-kanilang lugar upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Sa kabila nito, lubos po kaming nagpapasalamat sa aming mga tapat na customer na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa amin. Malaki po ang bahagi ninyo sa pagpapatuloy ng aming negosyo kung wala po kayo, hindi namin kakayaning makabangon at magpatuloy.
Maraming salamat po.