31/08/2025
Sa bagong kapasidad, si dating Nueva Ecija 2nd District Rep. Joseph Violago ay patuloy sa paglilingkod sa gobyerno -- bilang security officer ng San Jose City.
Batay sa ulat, ang dating kongresista ay nakatalaga bilang Security Officer V na may Salary Grade 24-1 o P89,425 kada buwan sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose.
Ang naturang posisyon ay co-terminus sa ilalim ng Office of the Mayor o ni Mayor James Violago na kanyang kapatid.
Nagsimula siya sa posisyon, kapalit ni Mr. Romeo Asuncion noong tanghali ng June 30, 2025.- #
📷 socmed