11/01/2026
Noong Pebrero 22, 2022 ang aking kauna-unahang pagpunta sa Cebu. Dala-dala ko noon ang damit ng Sto. Niño de Salud. Buong pagpapakumbaba ko Itong inilapit sa Iyo, at ako’y nagdasal nang nakaluhod mula sa pintuan ng simbahan patungo sa harap ng Iyong banal na altar.
Dumating ako noon na may pananampalataya, ngunit hindi pa ako nakabili ng Sto. Niño. Kaya’t taimtim akong nangako—babalik ako sa Iyong tahanan.
Ngayon, heto na—hawak ko na ang Sto. Niño de Cebu. Ang lahat ng pagod at pawis ay naging patotoo ng pananampalataya, pagtitiyaga, at walang hanggang biyaya. 🙏✨
Viva Pit Señor Sto. Niño!