09/04/2026
“Di nagmamatter ang price niyo, ate.”
Yan ang sabi ng isang customer sa booth habang kino-compare niya yung package price vs per item price namin.
Sale items per piece:
Pen = ₱20 (orig ₱23)
Mini Corporate Notebook = ₱65 (orig ₱70)
So ang total ng hindi nakapackage ay:
₱20 + ₱65 = ₱85
Pero bakit daw naging ₱110 kapag naka-package?
Gets ko siya. Valid question. 😊
Kasi yung package version may dagdag na:
• back cover
• personalized “To & From” sticker tag
• ribbon wrapping
• manual arrangement per set
₱25 pesos lang ang nadagdag, wala kanang gagawin, ready-to-give na sya agad sa client nyo🥰
And sorry but OUR PRICE MATTERS. 🥰 Kasama na doon yung convenience and preparation. 💕
And honestly, hindi po libre ang materials.
Hindi rin libre ang labor.🩷
Sabi pa niya,
“Ako na lang mag-ribbon.”
And that’s totally okay for us! We respect that. 🥰Kanya-kanya naman tayo ng preference.
Pero to be honest… bawat ribbon na tinali namin, bawat set na inayos isa-isa 🥰 hindi lang siya display.
Pinag-iisipan namin paano siya magiging presentable, personalized, at ready-to-give para kapag inabot niyo sa client ninyo, ramdam nila na special sila.
Hindi lang basta print. Hindi lang basta package.
Gusto namin pag natanggap niyo parang regalo siya kahit business order pa.
THANK YOU ATE 🧡 kasi mas na-appreciate namin lalo yung value ng ginagawa namin. 🩷
Sharing this moment dahil siguro nasa 6-month postpartum storytelling era pa ako 😂🥰, iba talaga feelings nagagawa ng postpartum, hello mga mommies out there!
Anyway 🩷 If you want prints that look and feel premium, message us. We prepare every order with intention.