23/03/2026
3 Non negotiable things we do on our wedding day :
1. No Letter Vows
Hindi talaga kami sumulat ng letter for each other, and gusto namin once na nabdon na kami sa oras na haharap sa isat-isa (supposedly reading vows) pero we turned out, telling each other what we want to say to each other.
mas pure and genuine yung emotion kapag wala kang binabasa at sinasabi mismo sa harap nya habang magkatingin sa mata. 15 mins na kami sa part na yun at steady lang yung p/v team. Napuno ng luha, ligaya, galak at pasasalamat ang puso namin (Best Moment of our wedding)
2. No Exchange Gifts of Couple
Before wedding day, dun na kami nag exchange ng gift. Hindi na para i record pa yung reaction. Since kami lang naman dalawa nag prepare ng gift for a very long time kaya i enjoy namin yung moment na mag exchange na kami and we thank each other kung gaano kmi ka grateful sa gift namin sa isat isa despite of having difficult moments while preparing our dream wedding.
Gift from Groom: DJI Gimbal Camera
Gift from Wife : Rolex Watch
3. No Bouquet Toss/ Throwing Bridal Bouquet
Isang beses lang ako magiging bride sa buhay ko, yun ang pinaka importante at pinaka mahalagang Bouquet na matatanggap ko. Kaya iniingatan ko wag sya masira, ma hulas ang petals, mahulog, ma alog etc.. dahil a day after wedding pina ship ko na sya para ipa preserve. (I will show you soon) kasi hindi pa sya dumadating saakin since pina preserve at dadaan pa sa process ang pag papa preserve it took 5-6months para fully preserved talaga sya.
ps: sabi sa mga traditional wedding na tinatapon ang bouquet sa mga bridesmaids at kung sino makakakuha sya daw ang next na ikakasal
Me: BALAKAYO DYAN, SINO SAINYO SUSUNOD BALAKAYO. DEDMA KUNG SINO ANG SUSUNOD, HINDI NA PARA I SUFFER KO ANG BRIDAL BOUQUET KO HAHAHAHAHAH