18/07/2022
✨️ TIPS ON HOW TO MARKET YOUR COINS ON DIFFERENT COIN GROUP AND PAGES...
1. CHOOSE THE CORRECT GROUPS TO ADVERTISE YOUR ITEMS ACROSS.
There's too many Coin Groups and Pages in the Coin World but you need to choose a few on where to appropriately Post your Saleables.
Marami kasing mga Grupo ang puro Sabaw ang mga Miyembro at kung ano-ano ang pinaggagawa once mag-Post ka ng Paninda mo sa kanila.
Mahihirapan kang magbenta dito kung yung mga Miyembro ay mga Walang Disiplina, Pilosopo, Nagbebenta rin sa Comment Section mo, at Samu't-saring mga Komento ang inilalapag na hindi naman related sa Hobby tulad ng Pornograpiya, Pagsali sa Invesment, Pagsali sa mga Games at kung anu-ano pa...
2. ALWAYS CONSIDER HOUSE RULES AND POLICIES ONCE YOU FOUND YOU "RIGHT GROUP".
This is very Basic. Dapat isinasabuhay na natin ito kahit walang pagpapaalala.
Kahit saan mang larangan ka mapadpad, dapat marunong kang rumespeto ng mga Alituntunin at Polisiya ng isang Grupo, meron man ito o wala.
Halimbawa sa ibang Grupo na hindi nila pinapayagan makalusot ang isang Post kung wala itong kaakibat na Permiso o PTPA sa mas pamosong terminolihiya.
Huwag rin namang kalilimutang magpasalamat sa mga ADMINS and MODERATORS ng Grupo bilang pampalubag-loob sa kanilang Serbisyo.
Iwasan rin ang magsubmit ng mga Posts na lumalabag sa Patakaran ng Grupo dahil ang inaakalang maliit na kamalian ay maaaring
magdulot ng malaking kapahamakan sa Buong Grupo.
3. MAKE YOUR PROPOSAL PRESENTABLE.
Rule of the Thumb. Kapag maglalapag ka ng Paninda mo, automatic dapat meron na itong Detalye (Specifics), Presyo (Selling Price) at Larawan (Pictures).
A.) Detalye o Specifics - Kailangan mong maglagay ng kaunti pero mahahalagang Impormasyon sa inyong ibinibenta though hindi naman ito Required kadalasan pero ang Goal kasi natin dito ay ang makaakit ng mga Mamimili at maiwasan ang mga Aberya halimbawang nasa gitna na kayo ng Negosasyon ng inyong Potential Buyer.
Maging Totoo lang sa mga detalye ng Items mo, maging maluwag para sa malalahad ng mga Issues nito at maging mahinahon at maging handa para sa mga magiging
Komento ng mga ka-Negosayon mo.
B.) Paglalagay ng Presyo o Selling Price - Mahirap magbenta nang walang Presyo dahil pahihirapan mo pa ang Buyer mo na manghula kung magkano mo ba ibibenta ang Items mo.
Let's make things Short and Easy ika nga. Direct to the Point. Lapag ang Paninda, Lapag ang Presyo. Pwede rin naman kayong magtawaran ng Potential Buyer mo kung sakali.
Kung Overpriced ka naman sa tingin ng mga Mamimili mo, dapat ay handa kang Panindigan ang inilapag mong Presyo (Support your claim by discussing the Key Details of your Items, Use your Convincing Power and employ your Marketing Skills).
Kung hindi ka naman sigurado sa Presyo o wala ka pang Ideya sa Presyo ay maaari ka rin namang maglagay ng Assumed or Expected Price mo base sa mga Presyo na nakikita mo na nag-e-exist sa merkado. Fair Enough.
C.) Paglalagay ng Larawan o Picture - Hindi lang basta Larawan ng Paninda mo ang ilalagay mo kundi ang pinakamagandang kuha ng Larawan ang ibandera mo.
Remember, ang Goal mo rito ay magbenta at hindi lang mag-display para magpasikat. Gawing kaaakit-akit ang Picture ng Items mo. Kuhanan mo ng iba't-ibang magagandang Anggulo kung maaari. Gawin mong kalaway-laway ang eksena mo (pero syempre maliban na lamang kung ang itinitinda mo ay hindi naman Kolektibol o Napaka-Common lang at walang Collector's Value, hindi ito expektibo).
Some experts go beyond the Norm that they are able to conceal imperfections on their Coins and make them look Superb in the Picture but this is not Recommendable.
Sapat laang Kapatid...
4.) BE A RESPONSIBLE SELLER.
This is the MOST IMPORTANT OF ALL ASPECTS IN SELLING.
Huwag makulit, huwag benta ng benta sa kung kani-kaninong Comment Box. Lagyan mo ng Watermark o Pagkakalinlan ang mga Items mo. Nagkalat na ang mga Photo-Grabbers/Scammers sa mundo ng pagbabarya, makakaiwas ka na sa mga ito, matutulungan mo pa at maisasalba ang ibang mga kasamahan mo sa Industriya.
Self-expalanatory na ito mga Kapatid pero kung may gusto kayong idagdag, open po ang Comment Section para sa inyong mga
mahahalagang KONTRIBUSYON!!
Kung hindi ito maintindihan, balik ka sa TIP NUMBER 1.
SALAMAT.. TULOY LANG SA HOBBY AND ENJOY HUNTING!!!