17/04/2026
Magkaiba man ang institusyon, ngunit sa pamamagitan ng iisang adbokasiya, interes na makapagdagdag sa body of knowledge na maaaring maging tuntungan sa programang pangkonserbasyon sa PAMANANG LAHI, Kalikasan at Komunidad ay nagiging posible pa rin ang kolaborasyon sa pananaliksik.
Nito lamang Abril 8, 2026 ay isinagawa ang online na pagpupulong sa pagitan ng Bulacan State University, Bahay Saliksikan ng Bulacan at Dr. Justine Perry Domingo (Geologist, Ateneo De Manila University Professor), Archaeologist Dawn Satumbaga at mga mag-aaral mula sa ADMU. Mula sa isinagawang talakayan at palitan ng mga ideya at perspektiba ay nabuksan ang mga posibilidad sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa kailugan ng upland Bulacan at karst system ng lalawigan na may napakahalagang papel sa komunidad hindi lamang sa usapin ng supply ng tubig kundi maging sa pangkalahatang kalagayan ng lalawigan bilang isang probinsya na may rehiyunal na kakanyahan pagdating sa biodiversity, geophysical landscape, archaeology at geography.
Nagtapos ang pagpupulong sa commitment ng bawat isang panig na magiging long term ang kolaborasyon sa pananaliksik para sa lalawigan ng Bulacan.
Pagpupugay sa mga propesyunal na nasa mga academic institutions na tinitingnan ang gawaing pampananaliksik bilang isang paglilingkod sa komunidad.