21/09/2026
Noong 2019, nagsimula kami bilang isang full-fledged maker ng Electric Candles. Dumating ang panahon ng pandemya, at sa pamamagitan ng aming Electric Candles for Home Altar, naitawid namin ang isang mahirap na yugto at patuloy kaming nakagawa para sa mga taong nangangailangan ng aming produkto.
Noong October 2023, isang bagong chapter naman ang nagsimula para sa amin nang una kaming makagawa ng Processional Oil Candles. Mula noon, patuloy kaming natuto, nagsikap, at nag-develop ng mga produktong mas angkop sa pangangailangan ng mga simbahan, parokya, at mga deboto.
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng garahe sa Pulo, Lumbac, Pulilan. Maliit man ang aming lugar noon, dito nabuo ang mga unang produkto, mga pangarap, at mga hakbang na unti-unting nagdala sa amin kung nasaan kami ngayon.
At ngayong mid-2026, nagpapasalamat kami dahil nakalipat na kami sa isang mas maayos at mas angkop na workshop sa Balatong B. Isa itong malaking milestone para sa amin at patunay na ang maliit na simula, kapag sinamahan ng sipag, tiyaga, at pananalig, ay maaaring humantong sa mas malaking bagay.
Mula sa simpleng garahe sa Pulo, Lumbac, hanggang sa aming workshop sa Balatong B—patuloy lang sa paggawa, pag-aaral, at paglilingkod.
Maraming, maraming Salamat, EMMANUEL+