14/10/2026
"hALAM mo ba ang halaman mo?" ๐ง๐บ
๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฆ๐จ? ๐ก๐๐๐๐๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง!
Alam mo ba na may koleksiyon ng mga gumamela na ipinangalan sa mga kilalang personalidad sa Philippine cinema at entertainment industry? ๐บ๐ฌ Kilalanin ang ๐๐ข๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ng UPLB Institute of Plant Breeding (IPB)โmga hybrid ng gumamela (Hibiscus rosa-sinensis) na nagbibigay-pugay sa mga artistang nag-iwan ng marka sa kulturang Pilipino!
๐บ ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ด๐ข-๐ด๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด '๐๐ฎ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐ญ๐๐ซ'
Ipinangalan sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na kinilala bilang National Artist for Film and Broadcast Arts. Ilan sa kanyang mga tanyag na pelikula ay Himala at The Flor Contemplacion Story.
๐บ ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ด๐ข-๐ด๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด '๐๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ'
Ipinangalan sa aktres na si Vilma Santos bilang pagkilala sa husay nya sa pagganap sa ibaโt ibang papel mula pagkabata bilang Trudis Liit, pagka-dalaga bilang Darna, hanggang sa iba't ibang klase ng pelikula, mapa-drama man o komedya. Kabilang sa kanyang mga kinikilalang pelikula ang Anak at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
๐บ ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ด๐ข-๐ด๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด '๐๐๐ ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ'
Ipinangalan sa singer-actress na si Sharon Cuneta. Mula sa mga awiting tumatak sa puso ng marami gaya ng 'Mr. DJ' at 'Kahit Maputi na ang Buhok ko' hanggang sa mga pelikulang naging bahagi ng pop culture, sumikat siya sa mga pelikulang Bituing Walang Ningning at Madrasta.
๐บ ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ด๐ข-๐ด๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด '๐๐ข๐๐ฆ๐จ๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ซ'
Ipinagalan sa 'John en Marsha' aktres na si Maricel Soriano na kinikilala sa husay sa drama at komedya. Siya ay hinangaan rin sa mga pelikulang 'Minsan Lang Kita Iibigin, 'Mila' at 'Filipinas'.
๐บ ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ด๐ค๐ถ๐ด ๐ณ๐ฐ๐ด๐ข-๐ด๐ช๐ฏ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ด '๐๐จ๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ'
Nakilala bilang aktres, host, at personalidad sa telebisyon, ang gumamelang ito ay ipinangalan kay Kris Aquino. Kabilang sa mga pelikulang nagpasikat sa kanya ang Feng Shui at Sukob.
Sa likod ng bawat gumamela ay hindi lamang ganda ng bulaklak, kundi kuwento rin ng pagkilala sa mga personalidad na humubog sa aliwan at kulturang Pilipino. Ang Celebrity Series ay na-release noong 2002 sa ilalim ng IPB Hibiscus Breeding Program sa pangunguna noon ng research team nila Mr. Reynold B. Pimentel.
Ang mga gumamela seedlings ay maaaring mabili sa physical store ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐
๐จ๐ฎ๐ง๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง.
Sino ang paborito mong Star? May celebrity na ba sa garden mo? Share mo na yan sa ating comment section. ๐๐บ๐ธ