27/12/2025
ramblings ahead
ewan ko ba, kumpara sa nakaraang taon hirap akong mag-isip ng sasabihin tungkol dito. well pwede namang ipost ko na lang to tapos ang caption lang ay simpleng "art vs artist 2025 thank you everyone for supporting me" pero wala eh hindi ko talaga branding yun. kailangan may ebas ako na borderline trauma dump haha
last year ako nagsimulang i-pursue kung ano man yung nililikha ko under this name pero ngayong taon, or at least sa gitnang bahagi ng taon na to, ko talaga naramdamang nasa eksena ako. higit pa sa mismong pagsali sa mga art market at kung anu-anong gawaing pangkultura, ngayong taon ko napagtanto kung ano ba talagang ibig sabihin sakin ng pagiging artista ko.
sinimulan ko kasi itong taon by dropping out of school (temporarily) kasi ayoko na talaga sa dati kong program, kasi gusto ko talagang mapunta sa program na may kinalaman sa sining. habang wala sa pamantasan, kahit papano naman naging productive sa pagiging merchant at paminsan-minsang pag-attend ng mga prodwork. nakatuklas ako ng art style kung saan hindi ko ramdam na "boxed" ako, at nagawang maging komportable sa vulnerability ko sa mga gawa ko. may mga bagong lugar din akong napuntahan at mga bagong tao na nakilala ngayong taon dahil sa sining. hanggang sa nagsimula na ulit yung acad year at nadala ko sa bago kong kurso yung mga natutuhan ko sa mga art market, sa tanghalan, lalong lalo na sa lansangan. sobrang grateful ako.
pero minsan, kupal ang mundo. ika nga ni jo, hindi tayo [laging] mapapakain ng passion na yan. lalo na kung ang madalas na pinapaburan ng sistema ay ang sining na "marketable," o di kaya'y ang pribilehiyong sumugal sa sining nang hindi ipinagpapalit ang kakayahang makakain pa rin tatlong beses sa isang araw. ewan ko, ma-pride kasi ako eh, ayokong tuluyang ituring si VLARINA bilang isang brand para lang lumakas ang benta, kasi nandito lang naman ako para lumikha at kumilala ng mga taong nagreresonate sa mga gawa ko.
kaya kahit sobrang ironic, ayun, nag-bpo. pumili na lang ako ng kumpanyang mukhang multimedia arts school yung id lace para artsy pa rin kunyari, lol. pero, god, sobrang alienating pala kapag kailangan mong iwanan ang sining para mabuhay, kasi yung kakapiranggot mong day off kailangan namang igugol sa edukasyon (kasi mahal mo rin yun). may kirot tuwing makakakita ka ng kung ano mang opportunity sa inbox mo kasi alam mong ang isasagot mo lang ay "sorry, hindi keri ngayon, next time na lang." tapos makikita mong may ibang artista na kayang buhayin ng sining nila. pakiramdam mo tuloy may kulang sayo, o hindi ka lang talaga magaling.
pero ito, andito pa rin naman, bumabalikwas kahit kaunti. naggugupit ng stickers at nagsusulat ng mga pyesa sa teatro bago mag-umpisa ang shift at tuwing break time sa trabaho. nagkakabisado ng mga linya habang 3 oras lang ang naging tulog. kahit minsan nalulugi kasi kinukulang sa oras para mag-asikaso ng restocks, tuloy pa rin sa kontrata sa sandbox. masabi ko man lang sa sarili ko na hindi ako sumuko at hindi ako nagpatalo sa sistema.
kaya salamat sa mga patuloy na nakakaalala, kahit sobrang inactive ko na. salamat sa mga organizer ng gigs at art markets na patuloy pa rin akong iniimbitahan kahit madalas wala akong response kasi nahihiya akong mag-decline nang paulit-ulit. salamat sa mga orgmate na nagpapasensya sa tuwing hindi ko kayang makapunta sa mga ganap. salamat sa pagpaparamdam na meron at meron pa ring naaabot na puso ang mga nililikha ko. mahal ko kayo.
pero sana hindi laging ganito. wish ko ngayong darating na bagong taon, sana laging may sapat espasyo para upuรกn at bigyang-buhay ang mga ideya bago pa man maubos ang oras at lakas sa kakatrabaho. sana hindi lang isang pribilehiyo ang ma-pursue nang maayos ang sining. sana dumating yung araw na makamit natin bilang isang lipunan yung tunay na ibig sabihin ng mapagpalayang sining.