02/02/2025
Naparami pala yung giniling. This was supposed to be budget ulam for one, e 4-5 servings na to sakin. Meal prep na nga ang kinalabasan 🤦🏻♀️I should’ve bought mga 100g lang, kaso si kuya sabi ko mga 150g lang tapos ang binigay halos 1/4kg. Nakakahiya naman ibalik and sabihin na bawasan nya pa.
E, i was once asked nung butcher dun sa meat shop, “ma’am, mag isa ka lang po sa inyo? Bakit puro 150g lang pinapatimbang mo?” (I ordered, 150g beef strips, 200g beef ribs, dalawang slice ng pata, 150g atay, 150g giniling). Oo kuya mag isa lang talaga ko sa buhay, wag mo na ipagsigawan sa shop. Lol!
Anywayyy! Beef Picadillo for 4
Beef giniling 67.37
Patatas 19.66
Sibuyas 10.00
Tomato paste 12.00
Oyster sauce 7.00
Raisin 17.00
Pugo 10pcs 36.00
Frozen carrots and peas (tira sa freezer)
Total: 169.03
Wala pang 50 pesos sa four servings! 💁🏻♀️