12/02/2025
See you on the event
PABATID: Salamat sa mga nagbasa ng mechanics. Kokonti na lang po ang nagtatanong at nagcomment. PERO MERON PA RIN.
Ang tanong na lang ay ganito sa cellphone, sa messenger at sa email namin :
- may Notaryo po ba? Opo, may pinakiusapang lawyer ang Art Association of the Philippines na magduduty sa April 26. Pero hindi po libre. Sa AAP po kayo magtanong kung magkano. Pero pwde rin kayong magpanotaryo sa iba.pwede rin sa ibang notaryo.
- Ano po yung size ng painting kasama ba sa frame yung sukat? Eto pa rin yung hindi nagbabasa ng mechanics.
- Ano ang criteria for judging daw. As if may ibang criteria pa.liban sa originality, visual impact etc. Yung etcetera baka pwde kayong magsuggest baka maconsider namin next time. Nabanggit ito sa launching.
- Again , malayo raw sila. Paano ipadadala. Basahin sana ang mechanics.if hindi sasali, hindi naman mapipili at mananalo. Meron din namang nasa malayo na nananalo, kase nagsubmit.
- Sana raw may submission sa branch offices, na proposed na po namin yan halos taun taon. pero mas triple ang gastos. Baka lumabas, "piso" na lang ang premyo less tax pa in short , bababa masyado ang premyo. Alin ang mas acceptable kaya? Yung ganitong set up ba or yung branch submission?
Sana malinaw na.
Salamat sa mga nagbasa at sa mga tumulong na makisagot sa mga tanong.
BASA lang ang katapat.yung nagbasa ang sakalam!
Magkita kita tayo sa April 26.