27/06/2026
Sa panhon nga SI Marcos Ang presedente ingun Ani njud Ang mhitabu kung kinsa tong tarung unta mao nay IPA preso pisti
‘MAUNA PA AKONG MAKULONG’
Naglabas ng pahayag si dating congressman Mike Defensor matapos niyang ihayag na nahaharap siya at ilan sa kanyang mga kapamilya sa kasong isinampa laban sa kanila.
Ayon kay Defensor, kabilang umano sa mga isinama sa reklamo ang kanyang asawa at dalawa niyang anak, kabilang ang isa niyang anak na abogado.
“Isinama ang aking asawa at dalawa kong anak. Yung abogado kong anak na buntis na corporate secretary lang- dinamay pa,” ani Defensor.
Sa kanyang pahayag, iginiit niya na hindi siya uurong sa kanyang mga paninindigan.
“Mauna pa akong makukulong kaysa sa mga kurakot na nagnakaw sa ating bayan. Kahit isa, wala pang napakulong ang NBI sa nakawan, pero sa mga nagsasalita laban dito ay agresibo si Matibag,” dagdag niya.
Dagdag pa niya, ang kanyang pananampalataya at ang hinaing umano ng mga mamamayan ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang kanyang paninindigan.