07/09/2026
⚠️HINDI LAHAT NG ANXIETY, MAKIKITA SA LABAS.⚠️
Minsan, tahimik lang ang isang tao pero sa loob niya, sobrang ingay na ng isip niya. 💭
10 COMMON FACTORS NA MAAARING MAG-CONTRIBUTE SA ANXIETY:
1. Sobrang stress – Problema sa pera, trabaho, pamilya, o relasyon.
2. Traumatic experiences – Mga nakakatakot o masakit na pangyayari.
3. Overthinking – Paulit-ulit na pag-iisip sa mga “paano kung…”
4. Kulang sa tulog – Maaaring maging mas mahirap i-manage ang stress at emotions.
5. Masyadong maraming pressure – Expectations sa sarili o sa ibang tao.
6. Health worries – Labis na pag-aalala tungkol sa kalusugan.
7. Malaking pagbabago sa buhay – Breakup, pagkawala ng trabaho, financial problems, o bagong responsibilities.
8. Family history o genetics – Maaaring magkaroon ng genetic vulnerability sa anxiety.
9. Substances o stimulants – Ilang substances ay maaaring magpalala ng anxiety symptoms.
10. Matagal na exposure sa stress o adverse experiences – Kapag matagal na nakakaranas ng mahihirap na sitwasyon, maaaring tumaas ang risk.
☝️IMPORTANTENG TANDAAN:
Hindi pare-pareho ang dahilan ng anxiety sa bawat tao. Minsan, maraming factors ang nagsasama-sama. At hindi ibig sabihin na mahina ang isang taong nakakaranas nito. 🧍
Kung nahihirapan na itong makaapekto sa araw-araw na buhay, okay lang humingi ng professional help. May mga epektibong treatment para sa anxiety disorders. (World Health Organization)
❣️ SOURCE: World Health Organization (WHO) – Anxiety Disorders
For educational and mental health awareness purposes. This post summarizes and simplifies information from WHO.
Kusina ni Mamee