12/11/2025
The Handmade Hub is making a quick comeback!
Sa mga suki ng store namin, pasensya na po at matagal kaming nawala. Ang nagmamanage na ng page na ito ay ang anak ng may ari ng THH, na siyang namaalam na earlier this year.
Maraming naiwan na yarns ang nanay namin, at hindi namin ito lahat magagamit. Kaya ipapa-raffle na lang namin ang aming mga stocks na naipon!
Magbubukas po muna ako ng interest check para sa aming raffle. Mag-comment o mag-PM sa aming page kung interesadong sumali!