14/07/2026
29. 🩵
Forever grateful sa lahat ng nangyari sa buhay ko sa loob ng 29 years, at sa marami pang taong darating. 🥰🩵
Napakasarap sa pakiramdam na naranasan ko ang masasayang moments at maging ang mga challenges na humubog sa akin bilang tao.
Naniniwala ako na lahat ng dumarating sa buhay natin, maganda man o hindi maganda ay may dahilan at may purpose. Parte lahat ng ito ng napakagandang kwento na sinusulat ni God para sa atin.
Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, magtiwala ka lang kay God. Hindi Niya ibibigay sa’yo ang isang pagsubok kung wala Siyang gustong ituro o ihanda para sa mas magandang bukas. 😊
Sa lahat ng may ipinaglalaban at patuloy na nangangarap, katulad ko, wishing you all the best in life. Darating din ang araw na matutupad ang mga pangarap natin, basta huwag tayong susuko at patuloy lang tayong kikilos.🥰
Salamat sa lahat ng naging parte at magiging parte ng buhay ko. ✨
Happy 29th birthday to me! Cheers to more growth, more faith, and more beautiful beginnings. ✨
Your birthday girl,
Jessyl Señara 🩵