15/02/2026
"Some guys say they’re ‘hindi ako romantico’… but look at what happens when love does the talking! ❤️"
Me: Anong klaseng bouquet po gusto mo for her?
Gentle: Hindi ko pa alam eh, hindi kasi ako romantico na asawa. Kaya wala ako idea sa ganyan, ever since di ako nag bibigay ng material sakanya, pero bumili kasi sya ng bulalak sa sarili nya sabi bigay ko daw sakanya. Tapos manapansin ko lang na lagi siyang nag-aadmire ng flowers sa feed niya. Kaya kahit hindi ako romantico cge gawan mo sya ng special bouquet alam kong deserve niya naman ng something special kahit hindi ako sanay mag-surprise. 😅
Me: Ang sweet nyo namn po. 🥰 (kinikilig) cge po, gagawan ko kayo ng special bouquet. Gusto niyo po bang lagyan ng personal note?
Gentle: Pwede ba? Isulat niyo na lang "Para sa’yo, Babe. Alam kong hindi ako romantico, pero alam mo namang mahal na mahal kita. Salamat din sa pag aalaga sakin at sa mga sacrifice mo kahit lagi mo ako pinapagalitan. I love you, babe." Tapos lagyan niyo na rin ng maraming red tyaka my black basta kung ano bagay sakanyang bulakalak gawin mong special.
Made with love for all the quiet romantics out there who prove that love isn’t just about grand gestures, it’s about seeing what matters to the one you hold. 🌺