09/12/2025
akala namin hindi napapansin ni Mayor Vico Sotto ang problema ng taga elizco rd. marami na din kasing bumibitaw sa Golden Heights Residence, nawawalan na ng pag asa. araw araw trapik, isama mo.pa un problema namin sa loob ng residence na hindi matapos tapos na STP reconstruction.👍🏻
ELISCO ROAD 🔵 Baka lang di pa alam ng mga dumadaan sa bahaging San Joaquin lang-- ginagawa na po ang Elisco Road pati drainage line sa Axis.
Marami nang nagawa sa Kalawaan side.
Ang design po ng program of work natin ay yung pinaka hindi disruptive sa traffic, kaya rin mas mahaba ang project duration. 1 𝘴𝘦𝘨𝘮𝘦𝘯𝘵, 1 𝘭𝘢𝘯𝘦 𝘢𝘵 𝘢 𝘵𝘪𝘮𝘦 lang po ang gawa para hindi kailangan ipasara ang daan. Hanggang umabot tayo sa Eastern, Meralco, etc. Tapos "quick-dry cement" din ang gamit kaya mas mahal ng konti pero ok lang para bawas perwisyo.
Kung matatandaan, ~bąցօղց ցąաą~ ang Elisco bago ako naupo pero ang bilis lang, sira na agad. Kaya umaasa ako na mas tatagal tong pinapagawa natin ngayon.
Dumaan ako kanina. mga 12:45pm. Di nila alam na darating ako pero may gumagawa kahit holiday, lunch time pa nga. Kalawaan side ito. Nasa mahigit 50% na rin tayo.
Konting pasensya na lang po. Thank you and Happy Feast Day, Pasig!