26/04/2026
Next year, maaalala ko lang na napagod at nahirapan ako ngayon tay…
Gusto ko lang unti-unting buuin ang pangarap na sinimulan natin.
Sabi mo nga…
lahat ng pagod at hirap na ito ay may dahilan,
at sa una lang mahirap...
Kaya hahawakan ko ‘yan, Tay… paninindigan ko.
Sa bawat pagod at sakripisyo,
alam kong darating ang araw na masasabi ko rin
na..Tay, naging okay din ang lahat dahil sa mga iniwan mong pagmamahal at aral na naging gabay ko..
At sa bawat progreso ng place na ito,
lagi kitang maaalala…Hindi lang ito basta iniwan mo,ito ay binuo mo mula sa sipag, sakripisyo,at pagmamahal mo sa amin.
Salamat, Tay, sa tapang at tatag na iniwan mo sa akin para ipagpatuloy ang sinimulan natin.
I miss you, Tatay…
Mahal na mahal kita. ❤️