30/11/2024
“Tubig at Langis - Mga Aninong Salungat”
A two-man show featuring Nikko Samson and Fuji Gawen
Isang pagninilay sa mga ugnayan ng dalawang elemento na sa kabila ng kanilang likas na pagkakaiba, ay patuloy na nagkakaroon ng mga salungat na anyo at pagkaka-konekta. Sa exhibit na ito, dalawang artist ang nagbukas ng mga kuwadro ng malalim na tensyon at sining, gamit ang iba’t ibang teknika upang ipakita ang mga aninong likha ng salungatan—ang tubig at langis bilang mga simbolo ng pagkakaibang hindi kailanman ganap na magkakasunduan.
Sa pamamagitan ng malalambot na hugis at malalim na kulay ng watercolor at ng mga matinding pagsabog ng oil pastel, pinapakita ng mga obra ang mga aninong nagmumula sa dalawang magkaibang elemento na nagtutunggali. Ang mga anino, na siyang nagsisilbing tagapagbigay ng misteryo at katanungan, ay ang mga representasyon ng ating mga emosyon, ang mga sikretong hindi nakikita, at ang mga hidwaan na nagsasagupaan sa ating mga isipan at kaluluwa.
Ang exhibit na ito ay nagpapakita ng kagandahan ng mga salungat—paghahalo at pagbuo ng mga bagong hugis mula sa mga walang kapantay na pinagkaiba. Ang tubig, na tila malumanay ngunit matatag, at ang langis, na magaan at mabilis magbago ng anyo, ay parehong may kani-kanyang kagandahan at pagiging buo. Ngunit sa mga salungatang ito, nagiging mas makulay at mas masalimuot ang larawan ng buhay. Sa gitna ng mga aninong ito, ang dalawang artist ay nagtatanong, nagmamasid, at naglalakbay sa mga puwang ng paghihiwalay, pagbabago, at koneksyon.
Ang bawat obra ay isang paanyaya sa mga manonood upang magnilay, magtanong, at maghanap ng mga sagot sa kanilang sariling mga salungatan, upang matutunan ang halaga ng pagkakaiba at ang lakas na taglay ng mga ito.
-S.L.
An inaugural show for
OPENING: Dec. 1, 2024, 5 PM - 12 AM
EXHIBIT DURATION: Dec. 1 - Dec. 8, 2024
📍 Blk 4, Goodwill Homes 1, Lot 2 Katipunan Ave, Novaliches, Quezon City, 1116 Metro Manila, Philippines