28/07/2026
"SABI NG BF KO WALANG TOTOONG LALAKJ ANG TATANGGAP SA ANAK KO..."
Continuation...
Pero higit 2 years na ang lumipas... wala talagang nagbago.
Sinasadya niyang i-ignore ang anak ko. Nasa edad na kasi yung bata na gusto lang makipagkwentuhan, ipakita yung mga laruan niya, at magpapansin. Kaso madalas dedma lang siya, o kaya sasagutin niya nang iritado o sarcastic at sasabihing tumigil na.
Hindi man lang niya sinubukang magkaroon ng relationship sa anak ko. Never siyang nag-offer makipaglaro, mag-spend ng time kasama siya, o kahit pakitaan man lang ng konting concern.
May isang beses na after more than 2 years na kami, biglang nag-cancel last minute yung tatay ng anak ko na dapat magbabantay habang nasa work ako. Wala na akong oras humanap ng ibang mag-aalaga kaya tinanong ko boyfriend ko kung pwede bang bantayan yung anak ko kahit 3 hours lang.
Imbes na simpleng "hindi," nagalit siya. Sinabi niya na "Hindi magiging responsibility ko yang anak mo kahit kailan," at ang kapal daw ng mukha ko para itanong pa yun.
Mas masakit pa yung mga nasabi niya over the years.
Sinabihan niya ako ng:
"Walang totoong lalaki ang tatanggap sa anak mo na parang sarili niyang anak."
"Hindi ko marerespeto sarili ko kung gagawa ako ng kahit ano para sa anak mo."
At dahil daw maaga akong nabuntis, wala nang lalaking mamahalin kaming dalawa bilang package.
Hindi ko naman kailanman in-expect na palitan niya ang tatay ng anak ko o maging father figure agad. Ang gusto ko lang sana, after two years, tratuhin man lang niya nang maayos ang anak ko bilang tao.
Habang tumatagal, nare-realize kong matagal na pala siyang emotionally distant.
Noong una iniisip ko baka ganun lang talaga personality niya kasi nonchalant siya. Pero habang tumatagal, parang iba na.
Kapag may maliit lang na bagay na kinaiinisan siya, kaya niya akong hindi kausapin ng ilang oras o minsan ilang araw. Sobrang lamig niya kapag galit.
Madalas niya akong murahin gaya ng "shut the f*** up" o "get the f*** out of my face." Tinatawag din niya ako ng kung anu-anong pangalan at pinaparamdam na pabigat lang ako.
Hindi niya pa naman ako sinasaktan physically, pero may mga pagkakataon na sobrang intimidating ng body language at kilos niya kaya natatakot ako.
Kapag may disagreement kami, maliit man o malaki, imbes na ayusin, mas inuuna niyang magsalita ng masasakit.
Isa pa, sobrang one-sided na rin ng effort.
Hindi ako materialistic. Hindi ko kailangan ng mamahaling regalo. Mas gusto ko lang yung may thought at effort.
Tuwing birthday at Christmas niya, ilang linggo akong nagpa-plan ng gifts. Gumagastos ako ng malaki kasi gusto kong maramdaman niyang special siya.
Pero nung birthday at Christmas ko, ilang araw bago dumating saka lang niya ako tinanong kung ano gusto ko. Pagdating ng Christmas morning, wala akong kahit isang regalo kasi sabi niya mag-shopping na lang daw kami.
Sa totoo lang, mas pipiliin ko pa yung isang ₱500 na regalo na pinag-isipan niya kaysa shopping trip na parang napilitan lang siya. At nung nag-shopping nga kami, halatang iritado pa siya buong oras.
Maliit na bagay man, pero naiipon lahat.
Pakiramdam ko ako lagi yung mas nagmamahal, mas nagbibigay ng effort, mas nag-iisip, at mas gumagawa ng paraan para maramdaman niyang mahal siya.
Isa pa sa pinak**asakit ay yung mga "joke" niya na hindi naman talaga nakakatuwa.
Madalas niyang sabihin na kapag hindi raw kami nagse-sx nang sapat, magchi-cheat siya. Nagagalit pa siya kapag hindi kami nagse-sx nang higit 4 times isang linggo. Kahit may isang araw lang na wala, naiinis na siya.
Honestly, sobrang nakakababa yun ng self-esteem ko.
Ngayon, ako naman ang sinasabihan niyang wala na raw akong pakialam sa relationship namin.
Ang totoo, nagkaroon na lang ako ng walls.
Paulit-ulit kasi yung "magbabago ako," pero wala namang nangyayari. Dumating ako sa point na napagod na lang akong masaktan kaya hindi na rin ako katulad ng dati mag-effort.
Ngayon sinasabi niya na kaya raw siya ganito ay dahil hindi na ako nagca-care.
Question ko lang sa mga nasa healthy long-term relationships:
Normal lang ba talaga ito? Paano niyo malalaman kung emotionally unavailable lang ang isang tao o emotionally abusive na siya?