Ate Bunso ng Calaguas

Ate Bunso ng Calaguas papasok sa bahay ni kuya

Kwento ni Ate Bunso, may 700 followers naman na pala ako. Dagdag pa kayo! HAHAHA! Kasi pag nagka pera ako dito, papamiga...
13/01/2026

Kwento ni Ate Bunso, may 700 followers naman na pala ako. Dagdag pa kayo! HAHAHA! Kasi pag nagka pera ako dito, papamigay ko rin naman ‘to! Ika nga always Share your blessings! HAHAHAHA! Kidding aside, sana masaya naman kayo sa mga kwento ko my 700 followers and counting, gawin n’yo ng 1k! Kahit may mga nag un-follow sa akin, okay lang, sana naabot kayo ng kwento ko! HAHAHA! Maliwanag at makulay na 2026 sa lahat.

-Love Ate Bunso ng Calaguas

Kwento ni Ate Bunso, bumisita sa Paboritong Pinsan Para magkwentuhan ng buhay buhay. Sarap tumambay sa bahay nila, harap...
12/01/2026

Kwento ni Ate Bunso, bumisita sa Paboritong Pinsan Para magkwentuhan ng buhay buhay. Sarap tumambay sa bahay nila, harap ay dagat, madaming dumadaan kaya napuputol kwentuhan minsan dahil nag hi hello sa mga taga Sitio na dumadaan sa bahay nila. At bigla ngang dumating ang isa naming paboritong pamangkin, napaka bait at maganda pa n’yan. Bawal mag boypren ate shaina, HAHAHAHA aral mabuti lang. Sana ganito rin kayo, uuwi sa lugar hahanapin ang paboritong pinsan, kwentuhan ng buhay buhay na akala mo kahapon lang di nagkita sa tagal na panahon. Masarap din minsan mag kwentuhan na walang gadget, walang wifi, sadyang dagat, hangin, at simpleng lugar lang na payak at payapa. Walang distractions, kaya mas madaming oras makipag kwentuhan ng mga masaya at blessings ng buhay. Sana may ganitong pause din kayo sa Life n’yo minsan.

Kwento ni Ate Bunso, every start ng taon may mga sana tayo sa buhay, may mga new year’s resolutions ika nga. Ang iba swe...
08/01/2026

Kwento ni Ate Bunso, every start ng taon may mga sana tayo sa buhay, may mga new year’s resolutions ika nga. Ang iba sweep na nagagawa at ang iba bokya. Minsan ganyan talaga ang life, minsan matagal mong ma rerealize kong kelan ka talaga handa sa changes na gusto mo sa life. Sabi ko nga kahit anong sana natin sa life ngayong taong 2026, piliin paring maging matatag at piliin ang sarili dahil sa roller coaster na rides, madaming chances of tickets sa madaming rides at madaming emosyon ang lalabas. Kaya sa simula ng taon, wag mapagod manalangin sa mga “SANA” na gusto mong matupad sa taong ito 🙏😇✨

Kwento ni Ate Bunso, palagi kong ni lolook forward ang umuwi sa Calaguas kapag may mga okasyon tulad ng New Year! Kaya s...
07/01/2026

Kwento ni Ate Bunso, palagi kong ni lolook forward ang umuwi sa Calaguas kapag may mga okasyon tulad ng New Year! Kaya sisiw lang yung malakas na panahon (ang feeling) HAHAHAHA! Masaya kasi talaga dun, may magic kasi dun ang buhay! HAHAHAHA! ( basta ma gegets nyo kapag naka visit kayo! So eto na nga, uwiaan na, sabi nga pabalik na yung mga feeling entitled sa buhay! HAHAHAHA ( ay mabait po ako! ) Sabi ko nga, basta taga calaguas makusog ang buot! Meaning malakas loob namin sumuong sa malakas na panahon. Mahirap, nakakatakot, pero palaging may tiwala na kapag sinabi ng piloto at ng mga kasama sa bangka na kaya, kaya talaga! Sympre, hindi magiging safe ang lahat kung walang pananalig kay Lord. We pray, iba iba man ng way, may mga nag sign of the cross, may iba na maaring short prayer na “pls be with us Lord, o mahabang prayer o rorosary, lahat kami isa lang ang hiling maging SAFE ang lahat. Gaano man kalakas ang dagat, pinipili pa rin namin umuwi at bumalik ng bumalik. Parang life may thrill, may mga alon na hahampas pero hindi matitinag. Saludo sa mga BIDA ng bangka na sumusuong ng lakas ng dagat, maihatid lang ang mga pasahero, goods o kalakal man. Mag iingat palagi kayo. Godbless, always! 🙏

Kwento ni Ate Bunso, ngayong gabi naisipan kong pumunta sa kapitbahay dahil Wala kaming internet so far. Naabutan ko ang...
03/01/2026

Kwento ni Ate Bunso, ngayong gabi naisipan kong pumunta sa kapitbahay dahil Wala kaming internet so far. Naabutan ko ang mga kabataan na ito na busy sa kanya kanyang cellphones nila. Ang iba naglalaro ng ML, ang iba naman masayang nanunuod ng mga reels sa tiktok or scroll scroll lang sa Facebook. Maiingay, pero masaya, tawa ang maririnig sa bawat sulok. May ilang beses pang nakipag kwnentuhan ako sa pamangkin ko at inaanak tungkol sa Pinoy Big Brother ABS-CBN dahil eviction night ngayon! Ang nakakatuwa at ipagmamalaki mo sa mga kabataan ng sitio biday ay ang respeto na ibibigay sayo kahit biglang sulpot ka lang sa eksena, oofferan ka ng upuan, at kahit utusan mo sa Sobrang busy nila sa kanilang cellphone ay masunurin pa rin. Sabi ko kanina, follow nyo yung page ko, kapag hindi, di kayo Pwede mag wifi. Ang iba tumigil sa Pag ML para mapagbigyan ako! Sabi ko nga kahit gaano ka techy ngayon, andun pa rin ang pagiging mababait ng mga kabataang ito. Sige lang, kabataan biday, enjoy lang sa buhay!

Kwento ni Ate Bunso, tapos na ang taong 2025, at sana masaya kayo tulad ko. Nagpa pasalamat ako kay Lord, na hindi ako p...
30/12/2025

Kwento ni Ate Bunso, tapos na ang taong 2025, at sana masaya kayo tulad ko. Nagpa pasalamat ako kay Lord, na hindi ako pinapabayaan sa lahat ng nangyayari sa buhay ko araw araw. Basta when you trust everything to him, for sure hundred percent panatag ang buhay. Roller coaster ang life at dapat tanggapin natin yun. Iba’t ibang emosyon ang mararamdaman na mas lalong magpapatatag sa sarili mo at pananaw sa buhay. Lagi kong tinitingnan ang buhay sa positibong pananaw, kaya siguro kahit my ups and downs, naka smile pa rin ako. Praying for a colorful 2026 again Lord! Let’s do this!

Kwento ni Ate Bunso, bumisita ang pinaka paborito kong pinsan sa akin. At bigla namin na isipan na puntahan ang isang lu...
29/12/2025

Kwento ni Ate Bunso, bumisita ang pinaka paborito kong pinsan sa akin. At bigla namin na isipan na puntahan ang isang lugar na kahit ako di ko pa na pupuntahan! HAHAHA! Nag usap about sa mga ganap sa buhay! Kaya sabi ko nga sa kanya, oh galingan mo next year. For sure gagalingan naman nya yan, kaya sgurdo ako na align na ang universe sa kanya sa 2026! Goodluck paborito kong pinsan!

Kwento ni Ate Bunso, nag tipon tipon na naman Familia Asotea ngayong Pasko 2025! Nabubuo, nakukumpleto at nagiging masay...
29/12/2025

Kwento ni Ate Bunso, nag tipon tipon na naman Familia Asotea ngayong Pasko 2025! Nabubuo, nakukumpleto at nagiging masaya tuwing Pasko! Napuno ng kulitan, ng tawanan at ng masasarap na kwentuhan! Nakalimutan ko pala, napuno ng kantahan ng mga feeling singer kaya bumuhos ang malakas na ulan ng gabing yun! HAHAHAHA! Ang mga bata ay sinulit ang swimming pool, mauubusan na nga sguro yun ng tubig at ayaw umalis simula umaga hanggang gabi. Masaya ang ganitong pag titipon, simple at higit sa lahat kumpleto tuwing pasko.

Kwento ni Ate Bunso, di ko pa napapanuod yung Call Me Mother pero for sure masaya at nakakaiyak yun, yang sacrifice ng i...
28/12/2025

Kwento ni Ate Bunso, di ko pa napapanuod yung Call Me Mother pero for sure masaya at nakakaiyak yun, yang sacrifice ng isang Ina para sa anak. May entry din ako, call them parents. Featuring our Mamay and Papay na napaka sipag sa buhay. Ilalaban namin sa best parents taon taon sa mga sakripisyo na ginawa nila sa kanilang tres marias. Di man kami mayaman sa pera, mayaman naman kami sa magandang ugali at wisdom mula sa mahal naming Mamay at Papay. Kaya taon taon may pa reunion kami and we call them parents, tapos drtso bonding, tuwa at saya after. Sana hindi lang tuwing Christmas natin ma appreciate yung sacrifices ng parents natin, let’s normalize saying thank you everyday! Merry Christmas everyone, lalo na sa mga magulang nyong masaya na naman na nagsamasama kayo ngayong pasko.

Kwento ni Ate Bunso, kahapon natapos ang last consultation ng taong ito! Tapos na ang year 2025, at nag salu-salo ang la...
19/12/2025

Kwento ni Ate Bunso, kahapon natapos ang last consultation ng taong ito! Tapos na ang year 2025, at nag salu-salo ang lahat pakatapos ng nakakapagod pero masayang consultation! Mag iingat aming mga pasynte, ang mga bawal ay dapat bawal! HAHAHAHA! See you next year! Godbless! 😇

Address

Tabaco
4511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate Bunso ng Calaguas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share