22/09/2026
REHABILITASYON NG SAN GUILLERMO VILLAGE SA BRGY. TINAJERO, ISUSULONG NI CONG. MICA GONZALES AT NHA
BACOLOR, PAMPANGA — Patuloy ang pagsisikap ni 3rd District Representative Mica Gonzales na maiangat ang kapakanan ng mga residente matapos siyang makipagpulong kina National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai at NHA Region 3 Regional Manager Fatima Dela Cruz noong Setyembre 16.
Layunin ng nasabing pagpupulong na isulong ang rehabilitasyon ng San Guillermo Village Resettlement Site na matatagpuan sa Brgy. Tinajero, Bacolor.
Ayon sa ulat, mula pa noong nakaraang taon ay patuloy na ang pakikipag-ugnayan ni Rep. Gonzales sa mga opisyal ng NHA upang makapagbigay ng kailangang tulong sa mga apektadong residente.
Bukod dito, binigyang-diin din ng kinatawan ang kahalagahan ng pagpapaunlad sa Brgy. Tinajero kaya't nakipag-ugnayan na rin ito sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa mas malawak na pag-unlad ng buong bayan ng Bacolor.
Tiniyak ni Rep. Gonzales na walang maiiwan sa gagawing rehabilitasyon at nangakong patuloy na babantayan ang kapakanan at kaligtasan ng bawat pamilya sa komunidad.
Sama-sama para sa kaunlaran at kaligtasan ng bawat Kapampangan!
Manatiling updated sa mga pinakabagong balita dito lamang sa Balita Keni!
📸 Kuha mula kay: Office of Cong. Mica Gonzales