15/07/2025
SAMGYETANG
KOREAN CHICKEN SOUP
MGA SANGKAP.
2 manok tumitimbang ng humigit-kumulang 1½ Kls
½ tasa na bigas (o malagkit na bigas), banlawan at ibabad sa malamig na tubig sa loob ng 1 oras.
2 pack korean ginseng, hugasan
2 malalaking pinatuyong jujube, hinugasan
16 na sibuyas ng bawang, hugasan at ang mga tip ay tinanggal
asin at pamintang dahun
1 pcs kalabasa (optional)
PAANO GAWIN:
First hugasan nga maigi ang manok sa loob at labas..tanggalan ng balat at kuskusin ang mga ito ng asin upang malinis ang mga ito ng mabuti.
Tapos Banlawan o hugasan ng tubig.
Ilagay ang mga manok sa cutting board, patuyuin,..
Lagyan ng bigas, 1 ginseng, 1 jujube, at 8 luya,bawang ang bawat manok. ( Sa luob ng katawan ng manok).. tahiin para hindi lalabas yong mga nilagay natin sa luob ng manok.
Ilagay ang manok sa kaldero..kong may natira pang ingredients ilagay sa kaldero Magdagdag ng 8 glass na tubig o depndi kong ilang manok ang lulutin..basta lampas sa manok ang tubig. , takpan, at lutuin sa katamtamang init sa loob ng 30 min.
Next hugasan ang kalabasa. e cut ng kalahati..tanggalan ng seeds..sunod koskosin ang laman hanggang mag form siya ng plate. ..yong mga laman ng kalabasa e cut ng pino tapos ilagay sa kumukulong manok.
Tapos yong parang plate shape na kalabasa e oven ng 15 min.. tapos gamitin ito para sa patungan ng manok. 😊
After 30 min Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Tapos ang paraan sa pag served nasa picture😊🥰
Enjoy sa ating healthy at masarap na korean recipe. Paggawa ng samgyetang (삼계탕)